Pinag-aaralan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga kasalukuyang polisiya para mapabilis ang kanilang pagpoproseso sa mga kumukuha ng drivers license ganun din sa mga nagpaparehistro ng kanilang sasakyan.
Ayon kay LTO chief Assitant Secretary Jay Art Tugade, na kanilang sinimulan sa pagbabawas ng bayad sa mga driving school ganun din sa medical exam kaya may ilan pang polisiya na maaring mabago.
Nagsasagawa na rin aniya ng hakbang kanilang technical working group kung ano-ano pa ang maaring mabago sa polisiya. Magugunitang inanunsiyo ng LTO ang pagtanggal ng mandatory periodic medical examinations para sa mga may hawak na driver’s license na mayroong lima hanggang 10 taon na expiration.
Pagtitiyak ni Tugade na gumagawa sila ng paraan para tuluyang matanggal na rin ang kurapsyon sa kanilang opisina.