-- Advertisements --
Hindi ikinaila ni Land Transportation Office (LTO) officer in charge Hector Villacorta na dumami ang mga lumalapit sa fixers para kumuha ng mga drivers license mula ng ipatupad ang online na pagproseso.
Ayon kay Villacorta na maraming mga aplikante na kumakapit sa fixer ang walang kaalaman sa mga online o paggamit ng computer.
Ipinapanakula nila na magkaroon ng hybrid ang LTO sa mga pagproseso para tuluyan ng matuldukan ang fixers.
Pagtitiyak din nito na gumagawa na ng paraan ang LTO para matugunan ang mga problemang kanilang hinaharap lalo na sa kakulangan ng mga plate numbers.