-- Advertisements --

Pinayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbalik operasyon ang mga school tranport service.

Kasunod ito sa nalalapit na pagbubukas ng face-to-face classes sa Agosto 22.

Ayon sa LTFRB na kaniyang papayagang mag-operate ang mga mayroong aktibong Certificate of Public Convenience or Provisional Authority ganun din ang mga mayroong expired na CPC pero naka-pending ang kanilang aplikasyon para sa extension ng kanilang validity.

Ilan sa mga kondisyon na inilaan nila ay dapat ang mga sasakyan ay mayroong seatbelts sa lahat ng mga pasahero, ligtas na bintana, mayroong “Stop” and “Go” na signages na laging dala para sa mga pagtawid ng mga estudyante at nakasuot ng uniporme ang mga drivers at konductor nito.