Pagpapaliwanagin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang provincial bus operators dahil sa umanoy pananabotahe sa paglabag ng implementasyon ng window hour scheme.
Sinabi ni LTFRB executive director Maria Kristina Cassioo na walang ibang sisisihin sa pagsisiksikan ng mga pasahero ay ang mga provincial buses.
Tinawag pa nito na ang ginawa ng mga bus operators bilang pang-hohostage sa mga pasahero dahil umano sa maling interpretasyon ng kasunduan.
Base kasi sa kasunduan ay maaaring magamit ng mga provincial buses ang kanilang terminal sa kahabaan ng EDSA mula 10 ng gabi hanggang ala-singko ng umaga.
Habang kapag sa labas ng window hour ay gagamitin nila ang mga itinakdang integrated terminal exchanges.
Nagtataka rin umano ito dahil sa dalawang beses na silang nagpulong kasama ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ukol sa nasabing usapin.
Sa panig naman ni MMDA chairman Romando Artes na gumagawa lamang ng issues ang mga provincial buses operators para muling mabuksan ang mga private terminals nila.
Tinawag pa nito na National Development program ang nasabing usapin na gamitin ang mga integrated terminals para maiwasan ang kapal ng trapiko.