Nanindigan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maituturing ng kolurom ang mga public utility vehicle na hindi nakapagkonsolidate o sumama sa kooperatiba ng hnaggang Enero 31.
Sinabi ni LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz, na maituturing na colorum na ang mga unconsolidated PUV ang mga ito pagdating ng Pebrero 1.
Muling nanagawan din ito sa mga operators at drivers na samantalahin ang pagkakataon ng hanggang katapusan ng Enero para hindi sila maituring na colurom.
Samantala, may tulong na ibibgay ang Department of Social Welfare and Development Office sa mga drivers at operators na hindi nakasama sa consolidation.
Ayon kay Office of Transportion Cooperative Chairman Andy Ortega, na ilalapit nila sa DSWD ang mga hindi nakasali sa cooperasyon.
Mayroon ding nakalaan na tulong ang mga operators na nakasali sa kooperatiba gaya ng napapaloob sa modernization program ng gobyerno.