Magbubukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng tatlong ruta ng mga pampasaherong sasakyan para sa mga pasahero na maapektuhan ng suspensiyon ng Philippine National Runway (PNRI) operations.
Ayon sa LTFRB na ang mga ruta ay kinabibilangan ng FTI-Divisoria via East Service Road; Alabang (Starmall) Divisoria via South Luzon Expressway (SLEX) para sa mga public buses at Malabon-Divisoria para sa Modern Public Utility Jeepneys (MPUJ).
Mayroong 30 public utility bus units ang inaasahang babiyahe sa FTI-Divisoria habang 25 units para sa Alabang (Starmall)-Divisoria route.
Sinabi ni LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz na ang nasabing ruta ay malaking tulong para sa mga apektadong pasahero.
Mismo aniya ang PNR ang humingi ng tulong sa LTFRB para sa mga apektadong pasahero.
Nakatakdang suspendihin ng PNR ang operasyon ng limang taon para sa pagtatapos ng North-South Commuter Railway (NSCR) project sa buwan ng Hulyo.