Pormal ng nag-assumed bilang ika-55th AFP Chief si Lt Gen. Cirilito Sobejana at pinalitan nito si general Gilbert Gapay na magreretiro na serbisyo ngayong araw.
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Change of Command at Retirement Ceremony sa Camp Aguinaldo.
Bago magpalit ng pwesto, ginawaran muna ng plaque of honorable service at medalya si Gapay dahil sa kontribusyon nito sa AFP.
Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Sobejana ang pagiging “in control” at “on top of the situation” ng AFP sa lahat ng hamon na haharapin.
Kanya ring iginiit na tatalima ang AFP sa humanitarin law kasabay nag pagtupad ng tungkulin para protektahan ang bansa.
Nagpasalamat din siya kay Pangulong Duterte sa tiwala na pinagkaloob sa kanya gayundin sa mga opisyal ng militar na nakasama sa sebrisyo.
Si Lt. Gen. Sobejana ay itinuturing na isang “buhay na bayani” bilang isa sa mga ginawaran ng pinakamataas na parangal ng militar na “medal of valor”.
Si Sobejana ay mula sa Philippine Military Academy “Hinirang” Class of 1987.
Bago napisil na maging AFP Chief, naging pinuno sya ng Philippine Army at Commander ng Western Mindanao Command.
Samantala, sa kanyang mensaheng pamamaalam, ipinagmalaki naman ni Gapay na 1,303 na mga myembro ng communist terrorist group ang nasawi, naaresesto at sumuko sa kanyang liderato.
Ipinagmalaki rin nito ang pagpapalakas ng operational effectiveness ng AFP at ang mabilis na tugon ng AFP sa mga nakalipas na sakuna partikular na ang pagresponde ng mga sundalo sa mga biktima ng Bagyo.
Sa kabilang dako, nanawagan naman si Sobejana sa sambayanang Pilipino na suportahan ang AFP para labanan ang mga kalaban ng estado at iba pang banta.
Siniguro ni Sobejana na ipagpapatuloy nila ang kanilang pagsisikap para magkaroon na ng pangmatagalang kapayapaan sa mga conflict areas, tugisin ang mga kalaban ng estado na hindi naaapektuhan ang economiya ng bansa.
Ayon kay Sobejana, tukoy naman na ng militar ang mga kalaban ng gobyerno kaya ito ang kanilang pagtutuunan ng pansin.
Aniya, marami na aniya siyang naiisip na mga bagong ideya at approaches para matuldukan na ang problema sa terorismo llalo na sa Southern Philippines at kaniya itong ilalatag sa gagawin nilang command conference ngayong gabi.
Binigyang-diin ng heneral na layon nila ma confined ang problema sa Mindanao at hindi na ito mapunta dito sa Luzon at Visayas dahilan para palakasin pa ng AFP kanilang mga resources sa Mindanao.
Naniniwala naman si Sobejana na malaki na ang pinagbago at naging maganda ang performance ng intelligence community ng AFP lalo na sa kanilang capability to find,fix and finish the enemy.
” Ranks and position just inicidental to public service, our foot must remains on the ground, ” pahayag ni Sobejana.
Samantala, ipinaabot din ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kaniyang pagbati kay Lt. Gen. Sobejana.
Ayon sa kalihim, ang “sterling track record” ni Sobejana ang naghanda sa kanya para para pamunuan ang Sandatahang lakas.
Dahil sa personal na karanasan ni Sobejana sa mga epekto ng armadong pakikibaka, kinilala ng kagawaran si Sobejana bilang isang “advocate for peace and development”.
Nagpahayag din ng pagtitiwala ang kagawaran na matagumpay na maisusulong ni Sobejana ang AFP modernization program.
Nagpasalamat naman ang DND kay dating AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay sa kanyang 40 taong paglilingkod sa militar, at binati ang Heneral ng “all the best” sa kanyang pagbabalik sa buhay sibilyan.















