-- Advertisements --

Nagbabanta muli ang malawakang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa hanggang sa araw ng Lingo, July 26.

Ito ay batay sa heavy rainfall outlook ng state weather bureau para sa Severe Tropical Cyclone Kiyapo at Southwest Monsoon o Habagat.

Ngayong araw (July 24 hanggang bukas (July 25), nagbabanta ang 100-200 mm na pag-ulan sa Batanes, Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte.

Hanggang 50-100 mm naman ang nababanta sa Isabela, Kalinga, Abra, Benguet, Ilocos Sur, La Union, Occidental Mindoro, Palawan, Antique, Iloilo, Guimaras, at Negros Occidental

Bukas hanggang sa araw ng Lingo (July 26), inaasahang makakaranas ng moderate to heavy rain (50-100 mm) ang mga probinsiya ng Bataan at Occidental Mindoro.

Ang mga naturang lugar ay pawang apektado sa mga pag-ulang dala ng bagyong Kiyapo at mga pag-ulang dulot ng hanging habagat.

Ang mga naturang pag-ulan ay posibleng magtagal ng ilang oras na maaaring magdulot ng mga pagbaha at serye ng landslide, lalo na sa mga bulubunduking lugar.