-- Advertisements --

Nagsagawa ng lightning rally ngayong araw, July 24, ang grupong Filipinos Do Not Yield Movement sa Pasay City.

Isinagawa ng grupo ang protesta sa kahabaan ng Vicente Sotto Street sa Pasay City, malapit sa Philippine International Convention Center kung saan isinasagawa ng ASEAN foreign ministers ang kanilang ministerial meeting.

Pangunahing sigaw ng grupo ang pag-demand ng apology mula sa China dahil sa tuloy-tuloy nitong aggresyon sa West Philippine Sea.

Hawak ng mga ito ang naglalakihang tarpaulin kung saan nakasulat ang panawagang depensahan ang WPS, manindigan para sa karapatan ng Pilipinas, at respetuhin ang 2016 Arbital Awards.

Hawak din ng mga rallyista ang mga tarpaulin na nagpapakita ng carricature ni Chinese President Xi JinPing at may nakasulat na hindi ipamimigay ng Pilipinas ang WPS dahil lehitimo itong pag-aari ng bansa.

Ang panibagong panawagan ay kasunod na rin ng pinakahuling maritime incident sa WPS kung saan dalawang sundalong Pinoy ang sugatan matapos silang pagpapaluhin ng China Coast Guard personnel, gamit ang wooden batoon.