Pormal nang nag-assumed si Lt Gen. Ernesto Torres Jr. bilang bagong commander ng AFP Northern Luzon Command (NOLCOM).
Mismong si AFP chief of staff General Andres Centino ang nanguna sa change of command ceremony kasabay ng paggagawad kay Torres ng kanyang ikatlong estrella sa Camp Servillano Aquino sa Tarlac City.
Pinalitan ni Torres si Major General Andrew Costelo na nagsilbing acting commander ng NOLCOM matapos na magretiro sa serbisyo si Lieutenant General Arnulfo Marcelo Burgos Jr. noong Disyembre 2021.
Si Torres ay nagsilbing commander ng 10th Infantry Division ng Philippine Army na bumuwag sa tatlong guerilla front sa Mindanao at nakapag-neutralize sa 280 miyembro ng communist terrorist kabilang ang high-value targets sa loob lamang ng walong buwan.
Pinamunuan din ni Torres ang 1003rd Infantry Brigade na nakasasakop sa Davao City, at bahagi ng Davao del Norte at Bukidnon, kung saan naaresto ang ilang personalidad na iniuugnay sa communist terrorist at bumuwag sa Guerilla Front Committee 54, at tatlong formation ng NPA mula 2017 hanggang 2019.
Si Torres ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Makatao” Class of 1989.