-- Advertisements --

Pormal nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro na commander ng Armed Forces the Philippines (AFP)–Southern Luzon Command (SOLCOM) bilang bagong AFP chief of staff.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang change of command sa AFP chief of staff ay sa Agosto 8.

Ito ay para magkaroon daw ng oras si Gen. Bacarro na mag-wind down sa SOLCOM at mabigyan ng pagkakataon na magsagawa ng transition sa kanyang posisyon sa Camp Aguinaldo.

Samantala, makasaysayan naman ang pagkakatagal ni Bacarro dahil siya ang unang Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines (CSAFP) na mabibigyan ng fixed three-year term.

Sa Republic Act 11709 na pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong April 13 ngayong taon, nakatakda nang ipatupad ang fixed three-year tour of duty para sa AFP chief of staff, vice chief of staff, the deputy chief of staff, major service commanders (Philippine Army, Philippine Air Force, Philippine Navy), unified command commanders at inspector general.

Matapos ang graduation ni Bacarro sa PMA ay nadestino ito sa 5th Infantry Division sa Isabela province sa kasagsagan ng counter-insurgency campaign sa Cagayan Valley mula June 1988 hanggang 1995.

Kasunod nito ay humawak din siya nang iba’t ibang posisyon sa 5th ID kabilang na ang platoon leader, company commander, administrative officer, intelligence officer, operations officer, civil-military operations office at secretary to the general staff.

Nagawaran ito ng Medal of Valor noong nadestino sa Isabela province.

Ito ang pinakamataas na award sa labanan sa AFP.

Siya ay Army Lieutenant ay nagsilbi bilang commanding officer ng 6th CAA Company, 21st Infantry Battalion, 5th Infantry Division.

Ang Medal of Valor ay ini-award kay Bacarro noong December 21, 1991.

Una rito, isinakripisyo ni Bacarro ang kanyang sarili sa nagapan na 10 oras na engkuwentro sa Maconacon, Isabela nang napaligiran ang mga ito 150 fully-armed New People’s Army (NPA) noong Pebrero 26, 1991.

Noong November 2004, na-designate itong Army spokesperson at chief of public affairs office in Fort Bonifacio.

Kinalaunan ay naging spokesperson ng AFP at chief ng Public Affairs Office in Camp Aguinaldo.

Noong 2014, na-designate si Bacarro bilang chief of staff ng 4th Infantry (Diamond) Division ng Philippine Army (PA).

Naging chief of staff for operations (OG3); commander ng 502nd Brigade, 5thID, PA at Commandant ng PMA bago ito maging AFP internal auditor.

Sumailalim din si Bacarro sa specialized military trainings sa local at ibayong dagat gaya ng Special Operations Team Training; Paratroopers Course; Basic and Advance Infantry Officers Course sa AFP.

Ang kanyang foreign military schooling ay kinabibilangan ng Combined Strategic Intelligence Training Program sa Washington DC; Peace-keeping Operations Course sa Canada; Public Affairs Orientation Course sa Hawaii at US Army General Staff Course sa Fort Leavenworth, Kansas, USA.

Nakakuha rin ito ng award sa 30 taon na serbisyo sa Army kabilang na ang limang Distinguished Service Star for exemplary service; isang Silver Cross Medal; dalawang Bronze Cross Medals for risking life not combat-related; dalawang Silver Wing Medals; siyam na Combat Commander’s (Kagitingan) Badges; 36 Military Merit Medals para sa administrative at combat duties; ilang Commendations Medals at Wounded Personnel Medal para sa wound sustained in combat.

Nakatanggap din ito ng Philippine Military Academy Outstanding Alumnus Award noong 1998.

Miyembro rin ito ng Special Forces family.

Si Bacarro ay nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) “Maringal” Class of 1988.

Ipinanganak si Bacarro noong Setyembre 18, 1966 sa San Fernando, La Union.

Ikinasal si Bacarro kay Soledad Bonsato Bacarro ng Baguio City.

Nagkaroon naman ang mga ito ng tatlong anak na sina Arnold Wilfred, Tracie Kathlynne at Piolo Jeremy.