Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagbitiw na sa kaniyang pwesto bilang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC si Lieutenant General Antonio Parlade Jr.
Ayon kay Lorenzana, noong nakalipas pa na linggo nag-resign si Parlade.
Hindi umano alam ng kalihim ang dahilan nito at kung tatanggap ba ito ng bagong pwesto sa ELCAC.
Nabatid na si Parlade ay malapit nang magretiro sa military service sa July 26.
Maliban sa ELCAC, siya ang kasalukuyang commander din ng Southern Luzon Command.
Naging kontrobersyal si Parlade dahil sa pag red tag nito sa ilang personalidad kasama ang ilang mga kilalang showbiz personalities at pag uugnay sa kanila sa mga komunistang rebelde.
Kinumpirma din ni Parlade na kaniya ng isinumite ang kaniyang letter of resignation kay Pang. Rodrigo Duterte subalit wala pang tugon dito ang Palasyo ng Malakanyang.
” Yes, I have submitted my letter of resignation addressed to the President almost a month ago. I want to ease the pressure to the NFT ELCAC principals who are being questioned by legislators for designating me inspite my being in the active service,” pahayag ni Parlade.
Ayon kay Parlade nais muna niyang pahupain ang pressure sa mga opisyal ng NTF ELCAC na kinukwestiyon ang kaniyang designation sa kabila na nasa active military service pa ito.
Giit ni Parlade may mga legal basis naman na mag justify sa kaniyang appointment na hindi ito labag sa batas.
Dagdag pa ng opisyal siya ay natutuwa na sa ngayon may anim ng civilian spokesperson ang NTF ELCAC.
Mensahe naman ni Parlade sa mga kritiko hindi siya tumatakas sa laban, siniguro naman ng opisyal na ipagpapatuloy pa rin nito ang kanilang laban pata tapusin ang mahigit limang dekadang karahasan ng CPP NPA.
” I want to assure our critics that I am not running away from this fight. As a citizen of this country it behooves on me to continue with my patrioritic duty to defend our country and end the 52 years onslaught of the CPP NPA terrorists, whatever legal way I can. Ngayon pa na patapos na sila?, wika ni Parlade