Magtutungo sa United Kingdom si US President Donald Trump.
Nakatakda itong makipagkita kay King Charles III sa Windsor Castle bago ang pakikipagpulong kay Prime Minister Kier Starmer.
Ayon sa British Ministry of Defense na maituturing history-making moments ang pagbisita ni Trump kung saan makakaharap sina King Charles at Queen Camilla.
Ilan sa mga idinetalye nito ay ang pagkakaroon ng pagpapalipad ng kanilang F-35 fighter jets bilang pagpapakita ng security relationships ng UK at US.
Magsasagawa ng pinakamalaking guard of honour sa kasaysayan ang Windsor.
Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ay makikibahagi ang US military band sa pagpapalitan ng Guard sa Buckingham Palace.
Aabot sa 1,300 na mga miyembro ng British military at 120 horses ang bibisita sa Windsor Castle.