-- Advertisements --

Tigil-operasyon muna ngayong araw ng Biyernes Oktubre 4 ang LRT2 matapos ang nangyaring aberya nitong Huwebes kung saan nag-trip off ang mga kable nito sa pagitan ng Katipunan at Anonas Station.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), ang nasabing desisyon ay para matiyak na hindi na mauulit pa ang insidente habang inaayos pa nilang mabuti ang nasirang parte ng riles.

Mayroong 11 stations ang LRT2 na mula sa Recto Stations sa Manila patungo sa Santolan Station sa Marikina.