Nagsimula ng magbawas ng presyo kaninang 6 a.m. ang mga kumpanya ng liquefied petroleum gas (LPG).

Sa abiso ng Petron, mayroong P0.30 sa kada kilo ng LPG o P3.30 sa kada tangke ng 11 kgs. na LPG habang ang auto LPG ay mayroong P0.71 na bawas sa kada litro.

Ang kumpanya naman ng Solane ay mayroong P0.27 na bawas presyo sa kada kilo ng kanilang LPG.

Inaasahan naman na susunod ang ilang mga kumpanya ng LPG