-- Advertisements --

Lalo pang lumawak ang mga lugar na apektado ng low pressure area (LPA) na nasa Southern Luzon.

Namataan ang sentro ng LPA sa Magsaysay, Occidental Mindoro.

Ayon sa Pagasa, maliban sa Calabarzon at Mimaropa regions, asahan din ang ulan sa Metro Manila at maging sa Nueva Ecija at Pampanga.

Nananatili naman ang posibilidad na lumakas ito bilang bagyo sa loob ng susunod na 24 oras.

Tatawagin itong tropical depression Leon na magiging ika-12 bagyo sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) para sa taong 2020.

Pero paglilinaw ng Pagasa, lalakas lamang ito kapag nakalabas na sa landmass ng Luzon o kapag nasa West Philippine Sea.