-- Advertisements --
Lalo pang lumawak ang hatid na mga pag-ulan ng binabantayang low pressure area (LPA) sa Mindanao.
Huli itong namataan sa layong 335 km sa silangan ng General Santos City.
Sa ngayon, maliit ang tyansa nitong lumakas bilang bagyo ngunit patuloy na magdadala ng ulan sa Visayas at Mindanao.
Partikular na inaalerto sa baha ang mga sumusunod na lugar: Eastern Visayas, Caraga, Davao Oriental at Davao de Oro.










