-- Advertisements --

Patuloy ang paglapit ng low pressure area (LPA) na nasa loob na ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 925 km sa silangan ng Daet, Camarines Norte.

Sa ngayon, maliit pa ang tyansa nitong maging bagyo, ngunit posibleng lumakas sa mga susunod na araw.

Samantala, patuloy na nakakaapekto ang hanging habagat sa Northern Luzon.

Habang mainit naman ang lagay ng panahon sa malaking parte ng ating bansa.