-- Advertisements --
Magtatagal pa ang nararanasang pag-ulan at mga pagbaha sa ilang parte ng ating bansa.
Ito ang babala ng Pagasa, matapos na pumasok na sa land area ng Borongan City, Eastern Samar ang nasabing LPA.
Inaasahang kikilos ito nang pahilagang kanluran, kung saan tatawirin nito ang Southern Luzon-Visayas area.
Sa ngayon ay sakop ng mga pag-ulan at pagbaha ang Eastern Samar, Northern Samar, Catanduanes at northeastern portion ng Camarines Sur.
Katamtaman hanggang sa malakas na ulan din ang posibleng maranasan sa Marinduque, Romblon, southern portion ng Quezon, iba pang parte ng Bicol Region at Eastern Visayas.
Malabo namang maging ganap na bagyo ang LPA dahil nasa lupa na ito at posibleng malusaw sa mga susunod na oras.
















