-- Advertisements --
Nagbabala ngayon ng mga pag-ulan ang Pagasa hanggang bukas sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao dahil sa low pressure area (LPA).
Ayon sa weather bureau, namataan ang LPA sa layong 45 km sa timog silangan ng Tagbilaran City, Bohol.
Kabilang sa apektado ng makapal na ulap na dala nito ang halos buong Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga del Norte.
Abiso ng Pagasa, maaaring bahain ang mga nasa low lying areas.
Lantad rin ang mga ito sa pagguho ng lupa, lalo’t nakapagtala na ng mga pag-ulan nitong mga nakaraang araw.
Maliban dito, nariyan naman ang northeast monsoon o amihan na nakakaapekto sa malaking parte ng Luzon.