-- Advertisements --

Asahan pa rin ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa binabantayang low pressure area (LPA).

Ayon kay Pagasa forecaster Ezra Bulquerin, huling namataan ang LPA sa layong 30 km sa hilaga ng Daet, Camarines Norte.

Ang nasabing weather disturbance formation ay maliit pa ang tyansang maging bagong bagyo.

Pero makakaapekto ang nahahatak nitong ulap sa mga sumusunod na lugar: Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, CALABARZON at Eastern Visayas

Habang habagat naman ang nakakaapekto sa western section ng ating bansa.