-- Advertisements --

Muling nagbabala ang Pagasa ng biglaang buhos ng ulan at posibleng baha dahil sa umiiral na low pressure area (LPA).

Pero mula sa dating dalawang namumuong sama ng panahon, isang LPA na lang ang nananatili ngayon sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Huling namataan ang LPA sa layong 580 km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Kabilang sa mga lantad sa pag-ulan at baha ang low lying areas ng Albay, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Palawan, Northern Samar, Samar at Eastern Samar.

Maliban dito, umiiral din at nakakaapekto ang northeast monsoon o hanging amihan sa malaking bahagi ng Luzon.