Nakapagtala ngayon ang Department of Health (DOH) ng 6,835 na mga karagdagang kaso ng COVID-19.
Ito na ang pinakamababa mula noong Jan 4, ng taong kasalukuyan.
Sa ngayon ang kabuuang tinamaan ng virus sa Pilipinas ay nasa 3,616,387.
Samantala ay mayroon namang naitalang 16,330 na mga gumaling.
Ang mga nakarekober sa virus ay umaabot na sa 3,445,129.
Nasa 12 naman ang mga nadagdag na pumanaw.
Ang death toll sa bansa ay nasa 54,538 na.
Mayroon namang dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng dalawang labs na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
“Of the 6,835 reported cases today, 6,673 (98%) occurred within the recent 14 days (January 25 – February 7, 2022). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (949 or 14%), Region 6 (822 or 12%) and Region 7 (624 or 9%),” bahagi ng DOH advisory.