-- Advertisements --

Tuluyan ng naging ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area sa silangan ng Aurora.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) tatawagin ang nasabing bagyo sa pangalang “MAYMAY”.

Tinatayang ang sentro nito ay nasa 1,620 kilometers ng silangang bahagi ng Visayas.

Mayroong taglay na lakas ng hangin na 45 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 55 kph at ito ay gumagalaw sa West Southwest bahagi ng bansa na may bilis na 40 kph.

Ang isang low pressure area naman na binabantayan ay papangalanang “Neneng” kapag ito ay tuluyan ng makapasok sa bansa.