-- Advertisements --
Naging ganap nang bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng Pilipinas.
Ayon sa Pagasa, isa na itong tropical depression at binigyan ng local name na “Paeng,” bilang ika-16 na sama ng panahon ngayong taon.
Huli itong namataan sa layong 965 km sa silangan ng Eastern Visayas.
May taglay itong lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Inaalerto na ng Pagasa ang mga residente ng Northern Luzon dahil sa posibleng landfall ng sama ng panahon at paglakas pa nito sa mga darating na araw.