-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa ng pagbuhos ng ulan sa Southern Luzon hanggang Mindanao.

Bunsod ito ng umiiral na low pressure area (LPA) na namataan sa layong 170 km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Kabilang sa mga lugar na maaaring ulanin at makapagtala ng baha ay ang Bicol region, Eastern at Central Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Palawan.

Sa ngayon, maliit ang tyansa ng LPA upang maging ganap na bagyo.