-- Advertisements --

Binabantayan ngayon ng Pagasa ang isa na namang low pressure area (LPA) na nasa silangang bahagi ng ating bansa.

Ayon kay Pagasa forecaster Benison Estareja, huling namataan ang LPA sa layong 480 km sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Nakapaloob ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto mula sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sa kasalukuyan, maliit pa ang tyansa nitong maging bagyo ngunit maaaring maghatid ng ulan sa ilang bahagi ng ating bansa.

Samantala, mananatili namang mainit ang lagay ng panahon sa iba pang parte ng ating bansa hanggang sa mga susunod na araw.