-- Advertisements --

Muling nagbigay babala ang Bureau of Immigration hinggil sa patuloy na paggamit ng ilan Pilipino sa mga ilegal na lusutan papalabas na bansa o tinatawag bilang ‘backdoor exits’.

Alinsunod anila ang paalala sa mga natulungan biktima ng ‘trafficking’ katulad ng isang 24-anyos na Pilipina naiuwi ng Immigration Protection and Border Enforcement Section noong Marso.

Batay sa ulat, ang biktima’y nakalabas ng Pilipinas gamit ang bangka mula Tawi-tawi at nagpatawid-tawid ng bansa hanggang makaabot o makarating ng Cambodia.

Inamin naman ng babae na siya’y inalok ng mataas na sahod aabot sa USD 900 hanggang USD 1,200 bilang ‘receptionist’ sa Myanmar ngunit nabiktima lamang sapagkat pinilit magtrabaho sa ‘love scam’.

Dahil rito’y mariing babala muli ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na ang ‘bacdoor exits’ ay may kaakibat na banta na maging biktima ng pananamantala o exploitation.

Ayon naman sa isang non-governmental organization na international Border Management and Technologies Association, ang isyu sa pagpapanatili ng ‘border control’ sa bansa ay problema rin maging sa internasyunal.

Naniniwala si Sharon Ayley ng naturang organisasyon na ito’y maituturing ‘global problem’ at nagkakaiba-iba lamang raw sa prayoridad tutukan ng isang bansa.

Kung kaya’t nararapat lamang raw na palakasin ang kakayahan ng mga tauhan o awtoridad matugunan lamang ang problema patungkol sa pagpapaigting ng ‘border control’ sa bansa.

Dagdag pa niya’y pati impormasyon ng mga papaalis at papasok ng bansa ay mahalagang ma-monitor din para matukoy ang mga indibidwal na may dalang panganib.