-- Advertisements --
Nagbabala ang Pagasa ng mga biglaang buhos ng ulan sa ilang bahagi ng ating bansa dahil sa umiiral na low pressure area (LPA).
Ayon sa weather bureau, makakaranas ng ulan ang Albay, Sorsogon, Masbate, Romblon, Palawan at Visayas.
Huling namataan ang sentro ng namumuong sama ng panahon sa layong 140 km sa silangan ng Puerto Princesa City, Palawan.
Sa kasalukuyan, maliit ang tyansa nitong lumakas bilang ganap na bagyo sa loob ng susunod na 48 oras.