-- Advertisements --

Lumobo pa ang bilang ng mga kaso ng love scam na nitong nagdaang Valentine’s day.

Ito ang ibinunyag ni NBI-Cybercrime Division chief Victor Lorenzo, kasunod ng mga sumbong na kanilang natanggap.

Pero ang higit na ikinaalarma ni Lorenzo ay mga Pinoy na ang sinasabing gumagawa ng krimen, na dating kilalang pinatatakbo lamang ng mga banyaga, partikular na ng ilang Nigerians.

Maging ang mga nasasangkot sa scam ay pabata na umano ng pabata.

Katunayan, teenagers pa lang ang ibang gumagawa nito at may mga kabataan na ring nabibiktima.

Karamihan sa mga bagong modus operandi ay idinadaan sa dating applications na popular ngayon sa mga kabataan.

Hindi naman binanggit ni Lorenzo ang iba pang detalye ng iniimbestigahang love scam sa ngayon, upang hindi mapaghandaan ng mga kriminal ang paghahabol ng mga otoridad.