Umani ng batikos ang kumbinasyon na numerong lumabas sa national lottery ng South Africa.

Ito ay dahil sa magkakasunod na numerong five, six, seven, eight at nine ang lumabas at ang PowerBall ay 10.

powerball
South Africa Powerball results

Sa nasabing numerong lumabas ay mayroong 20 katao ang nanalo ng jackpot na $370,000 o katumbas ng mahigit P18-milyon matapos makuha ang tamang kumbinasyon.

Mayroong 79 ang nakakuha ng limang numero subalit bigong makuha ang PowerBall number.

Dahil dito ay binatikos ng ilang mga mamamayan ang nasabing labas sa lotto at sinabing lantaran ang nasabing dayaan.

Nagsasagawa na rin ang National Lotteries Commission (NLC) ng South Africa sa nasabing kumbinasyon na lumabas.