Nakipagpulong si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa bagong Charge d’ Affaires ng US Embassy, Heather Variava.
Ito ang unang face to face meeting ng kalihim matapos siyang sumailalim sa mandatory quarantine at pagbalik mula sa kanyang biyahe sa Estados Unidos.
Sa pulong ng dalawang opisyal, kapwa nila inihayag ang commitment ng Pilipinas at Estados Unidos sa kanilang alyansa sa pamamagitan ng Mutual Defense Treaty (MDT).
Nagpasalamat naman si Lorenzana sa tulong ng Estados Unidos sa COVID response efforts ng pamahalaan, partikular sa tuloy-tuloy na pagdating ng bakuna para sa national immunization program.
Tinalakay din ng dalawang opisyal ang mga kaganapan sa rehiyon, at ang pagsulong ng koopersyon ng Pilipinas at Estados Unidos.
Napag-usapan din ang mga nakalinyang bilateral defense activities, logistics cooperation, at ang pagpapalakas ng kapabilidad ng Armed Forces of the Philippines (AFP).