-- Advertisements --
Pumanaw na ang longtime coach at NBA legend na si Jerry Sloan sa edad 78.
Ayon sa koponan, hindi na nito nakayanan ang kumplikasyon ng kaniyang Parkinson’s disease noon pang 2015 at Lewy body dementia habang ito ay nasa kaniyang bahay sa Salt Lake City.
Sa inilabas na pahayag ng koponan, na matagal ng naging bahagi ng koponan si Sloan kaya labis ang kanilang kalungkutan sa pagpanaw ng itinuturing na ama ng koponan.
Naging Hall of Fame coach ito ng 23 taon na mayroong 1,223 Jazz coaching wins, 20 trips sa NBA playoffs at dalawang NBA Finals appearance ang itinuturing na malaking accomplishment na ito ni Sloan.
Mula 1988 hanggang 2011 ay naging head coach si Sloan ng Jazz na mayroong third most number of wins sa kasaysayan ng NBA.