Reading Time: 1 minute

NAGA CITY – Naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay nang matagpuan ang isang lolo sa Ragay, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Jose Villanueva, 63.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa PNP-Ragay, napag-alaman na nakita ang bangkay ng biktima na puno ng saksak sa may bulubunduking sakop ng nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na habang nag-iinuman ang suspek na si Adrian Miranda at ang nasabing biktima nang magkaroon ito ng mainit na argumento.

Nasa loob umano ng bahay ang witness na si Edwin Manriza nang hiramin ng suspek ang kanyang kalabaw at karetela at isinakay dito ang biktima na noon ay tinadtad na nito ng saksak.

Una rito kinausap pa umano ng suspek si Manriza at ipinaalam na patay na ang biktima at humingi ng pabor na huwag ipa bigay alam sa iba ang nangyari.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon habang pinaghahanap na ang suspek na agad na tumakas matapos ang krimen.