LAOAG CITY – Muling inilagay sa lockdown ang Laoag City Public Market and Commercial Complex dahil sa pagdami ng mga market vendors ang nahawaan ng COVID-19.
Sa inilabas na executive order ni Mayor Michael Marcos Keon, isinara ang lahat ng mga pasokan ng merkado publiko at walang makakapasok na residente maliban sa mga health workers, PNP personnel at mga empleyado ng City government.
Samantala, inihayag naman ni Dr. Joseph Adaya ng City Health Office, ang hakbang na ito ay para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Kagabi ay nakapagtala ng walong positibo sa COVID-19 dito sa lungsod ang Provincial government at lima dito ang market vendors, at fish vendor.
Sa ngayon ay umaabot na sa 232 ang total cases ng Laoag City, 62 dito ay gumaling sa COVID-19 habang 170 ang active cases.
Kung maalala ay ipinatupad noong Nobiembre 27 nitong taon, ang Modified Enhanced Community Quarantine dito sa lungsod matapos lumobo ang bilang ng mga nagpositibo ngunit hindi pa malaman kung kailan matatagal ang MECQ.
Magtatapos naman ang lockdown ng merkado publiko sa Disyembre 5 dito sa Laoag City.
















