Mariing binalaan ni DILG Sec. Eduardo Año ang mga local chief executive na masyadong mahigpit sa pagtanggap ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang mga lugar.
Sinabi ni Sec. Año, tinitiyak naman nilang bago magsibalik sa kani-kanilang probinsiya ang mga OFWs ay negatibo sila at ligtas sa COVID-19.
Ayon kay Sec. Año, kaya walang dahilan ang mga local chief executive para hindi tanggapin ang mga OFWs na uuwi sa kanilang probinsiya.
Inihayag ni Sec. Año na siya mismo ang hahabol sa sinumang gobernador o mayor na tatangging tumanggap sa kanilang lalawigan ng umuwing OFW.
Hindi umano naaayon sa “Bayanihan to Heal as One Act” ang pagmamatigas ng ilang LGUs lalo sa pagsasabing hindi nila maaaring papasukin sa lalawigan ng OFWs at hanggang pier lamang dapat sila.