Hindi na nabahala si Liza Soberano sa naging pagtingin sa kaniya ng maraming tao matapos na hindi ito naging aktibo sa showbiz noong 2019.

Sinabi ng actress na inaasahan niya ang anumang negatibo na lumabas.

Isa sa naging usapin ng mawala ng ilang buwan sa showbiz ay dahil ito ay buntis na mariin naman nitong itinanggi.

Dagdag pa ng 22-anyos na actress na dumaan ito ng apat na operasyon sa kaniyang right index finger sa U.S. noong Hulyo 2019.