-- Advertisements --

Posibleng isumite na ngayong linggo sa opisina ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang listahan ng mga kandidato sa mga posisyon ng Maharlika investment corporation.

Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na may mga kandidato na sa mga posisyon ng president and CEO ng MIC, regular directors at independent directors.

Tiwala ang kalihim na sa unang bahagi ng 2024 ay magiging operational na ang MIC.

Nagsimula na ring magremit ang Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP) ng mga kapital ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Mayroon ng P75 bilyon na mula LBP at DBP at dagdag na P31 bilyon na dibidendo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).