-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng PhilHealth na tatapusin na nila ngayong buwan ang liquidation para sa interim reimbursement mechanism, kung saan ginamit ang P15 billion na pondo.

Matatandaang nabahiran ng kontrobersiya ang isyung ito, makaraang matuklasan ang umano’y pinalolobong bayarin sa health insurance para lamang makakuha ng kickback ang mga nagsasabwatang opisyal ng ospital at PhilHealth.

Ayon kay PhilHealth President and CEO Dante Gierran, nasa 95 percent na ang na-liquidate sa hinahanap na pondo at may sapat itong dokumento.

Matatandaang maraming pinagbitiw at tinanggal sa naturang tanggapan dahil sa isyu ng korapsyon.

May iba pang nasampahan ng kaso, kung saan pending pa rin ang isyu sa Office of the Ombudsman.