Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Nasa maayos na kalagayan na ang isang lineman matapos itong makoryente sa Tam-awan Village, Pinsao Proper, Baguio City.

Nakilala ang biktima na si Ryan Christopher Belingon, 24, at residente ng Sampaguita St., San Luis, Baguio City.

Batay sa report, aksidenteng nasagasaan ng isang truck ang internet connection wire na inaayos ng biktima.

Ang truck ay minaneho ni Miller Lucio, 36, binata at residente ng Wandayan, Puguis, La Trinidad, Benguet.

Batay sa imbestigasyon, bumaba ang lineman mula sa kinaroroonan nito sa pag-aayos ng wire ngunit dito naman aksidenteng nasagasaan ng truck ang wire na nagresulta sa pagka-asidente ng biktima.

Agad na naisugod sa pagamutan ang biktima habang nakumpiska ang lisensiya ng driver ng truck.