Pormal ng nanumpa bilang interim president ang lider ng military junta sa Gabon na si Gen. Brice Ngurema.
Ang kaniyang panunumpa ay matapos ang isang linggo ng pamunuan niya ang kudeta para tuluyang patalsikin sa puwesto si President Ali Bongo Ondimba.
Si Bongo na 64-anyos ay pumalit sa ama nitong si Omar na namuno sa Central African nation ng mahigit apat na dekada hanggang sa kaniyang kamatayan noong 2009.
Ang anak nito ay namuno ng mahigit 14 taon kung saan noong nakaraang linggo ay idineklara ito ng panalo sa halalan subalit ito ay nahaluan ng kontrobersiya gaya ng pagkaantala ng halalan at ang pagkaputol ng internet connections.
Kasalukuyang nasa house arrest ang pinatalsik na pangulo.
Matapos na manumpa ay nagkaroon ng pagdiriwang sa buong bansa kung saan nagsaya ang ilang libong supporters nito kasama ang military.