Tinatayang nasa 3,500 umanong katao ang nagtungo sa Quirino Grandstand sa Manila para sa “Salamat PRRD” thanksgiving concert ngayong gabi.
Ito ay ang mga supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte noong tumakbo noong 2016 elections.
Ang naturang venue ay naging venue rin ng miting de avance ng Pangulog Duterte noong 2016.
Sinabi ng event director na si Njel De Mesa na ang thanksgiving concert ay hindi lamang para pasalamatan ang Pangulo sa nakaraang anim na taon kundi isa rin itong pagkilala sa mga supporters at fans ng pangulo na sumuporta sa kabila ng mga kritisismo.
Dumating si Pangulong Duterte sa Quirino Grandstand ilang minuto bago mag-alas-7:00 ng gabi.
Kasama ni Duterte ang kanyang maybahay na si Honeylet Avanceña maging si Sen. Bong Go at incoming Senator Robin Padilla.
Kabilang naman sa mga performers sa concert sina Andrew E. Chad Borja, Dulce, Freddie Aguilar, Ice Seguerra, Isay Alvarez, Jed Madela, Jimmy Bondoc, Martin Nievera, Moymoy Palaboy, Robert Seña at Philippine Philharmonic Orchestra.