NAGA CITY- NAGA CITY- Itinuturong rason umano ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus disease sa probinsya ng Quezon ang nangyayaringg kaliwat kanang ginagawang pagtitipon at selebrasyon ng mga mamayan sa lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Grace Santiago, Quezon Provincial Health Officer sinabi nito na dahil sa ilang mga bayan na ang nagpaluwag ng kanilang ordinansa kung kaya hindi narin umano mapigilan ang pag dami ng mga nahahawaan ng nasabing virus.
Ayon kay Santiago, nahihirapan narin ang ilang mga lokal na gobyerno ng probinsya at maging ang mga barangay councilssa pagpapatupad ng mga health protocols.
Nabatid na ilang mga LGU’s umano kasi ang mas binibigyang halaga ang pagpapalakas muli ng kanilang ekonomiya sa halip na mas bigyang pansin ang pagdami ng kaso ng covid-19 sa kani-kanilang mga bayan.
Nabatid na isa ang Probinsya ng Quezon sa mayroong pinakamaraming naiuulat na kaso ng covid-19 sa buong Pilipinas.
Sa ngayon nagpaabot narin ng hinaing ang ilang mga healthcare workers ng ilang mga ospital sa probinsya dahil kinulang narin umano ang mga ito pagdating sa manpower at malapit narin ang mga itong mapuno.
















