CENTRAL MINDANAO – Muling nagkaloob ng pinansyal na tulong ang lokal na pamahalaan ng Kabacan, Cotabato sa mga pasyenteng nangangailangan ng dialysis at chemotherapy.
Lubos ang pasasalamat ng abot sa 48 na mga ka-unlad ang tumanggap ng ayuda.
Paliwanag ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr., kung dati ay abot sa mahigit 60 na indibidwal ang tumanggap, ang iba umano ay pumanaw na. Sa kabila nito, lubos parin ang pasasalamat ng mga pamilya ng mga yumao na kahit papaano ay natulungan sila ng lokal na pamahalaan.
Siniguro naman ni ABC President Evangeline Pascua-Guzman ang Kabakeño na nakahanda ang tanggapan na magkaloob ng anumang tulong.
Ipinagpasalamat naman ni Vice Mayor Myra Dulay-Bade at Councilor Leah Saldivar ang liderato ng alkalde na agad na tinugunan ang panawagan ng mga medical patient.
Pinuri naman ni BM Joemar ‘Kano’ Cerebo at Sr. BM Shirlyn ‘Neneng’ Macasarte ang pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Kabacan na kung saan tanging bayan ng Kabacan ang may ganitong programa na mismong mula sa pondo ng Kabacan nanggagaling ang tulong sa mga pasyente.
Kaugnay nito inilahad ni Nelvien Fajardo na malaki umano ang tulong ng LGU sa kanya bilang isang pasyente.
Kuwento nito, hindi nito alam kung kanino at saan kukuha ng pangbabayad sa susunod na session ngayong alam ng karamihan na mahirap itong makabayad sa sitwasyon nito. Kung kaya ang tulong ng LGU-Kabacan ay malaking pasasalamat at gaan sa pakiramdam.
Samantala, kasabay ng tulong sa mga pasyente namahagi rin ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan ng Kabacan sa mga residente ng Brgy. Cuyapon na nasalanta ng buhawi noong nagddang mga araw.
Labing dalawang mga residente ang nagpasalamat sa inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Kabacan sa pangunguna ni Mayor Guzman.