-- Advertisements --

Ibinahagi ng aktres na si Claudine Barretto na siya ay naaksidente sa set ng isa sa kanyang mga palabas sa isang post sa Instagram, ikinuwento ng Optimum Star kung paano siya nasaktan at agad na dinala sa ospital.

Ayon kay Claudine, nangyari ang aksidente noong Pebrero 8, at tinukoy niya ang mga bahagi ng kanyang katawan na nasaktan, kabilang ang ulo, likod, at balakang.

“I hit my head, back and hips really hard. I was rushed to Saint Lukes BGC. Now I am trying to recuperate,” ani Claudine.

Nagpasalamat naman ang aktres sa kanyang mga tagahanga na nagpakita ng suporta at pag-aalala sa social media. Siniguro niya na magbibigay siya ng update sa kanyang kalagayan.

“Thank you for all your love, concerns, and prayers. We are still waiting for the results and I will keep you posted,” dagdag niya.

Para kay Claudine, ang pagmamahal ng kanyang mga tagahanga ang nagbibigay sa kanya ng lakas upang mas mabilis na makabawi sa sakit.

“Though I am in so much pain, your love, support, and prayers strengthens me. Thank you and Mahal ko po kayong lahat.”

Maraming kaibigan at tagahanga naman ang nagpadala ng mga heartwarming messages sa comment section ng kanyang post, kabilang ang mga panalangin para sa mabilis na paggaling niya.

“Praying for your quick healing po idol 🙌😇🙏🏻🙏🏻🙏🏻 doble ingat na po next time please 🥺 mahal na mahal ka po namin,” sabi ng isang fan.

“Get well soon and magrest ka ng mabuti, praying na maging okay mga result ng test mo,” dagdag ng isa pa.

Matatandaang kamakailan lang ay nagluksa rin si Claudine sa pagkamatay ng kanyang ina na si Inday Barretto, kung saan ibinahagi niya ang huling sandali nila bago pumanaw ang matriarch ng Barretto family.