-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Dinakip ng mga otoridad ang isang LGU Employee na kabilang sa Narco-list ng Pangulo na residente ng Santiago City makaraang masangkot sa illegal na pagtutulak ng illegal na roga sa Purok Paraiso, Barangay Batal.

Ang pinaghihinalaan ay si Wilmar Crisostomo,42 anyos, may-asawa, LGU Employee at residente ng Barangay Dubinan West.

Nagsagawa ng operasyon ang magkasanib na puwersa ng Station Drug Enforcement Unit ng Presinto Uno, City Drug Enforcement Unit ng SCPO, Regional Drug Enforcement Unit at ng PDEA region 2 na nagresulta sa pagkakadakip ni Crisostomo.

Batay sa ulat ng mga awtoridad naki-pagtransaksyon ang pinaghihinalaan sa isang PDEA Agent bitbit ang isang sachet ng hinihinalang shabu katumbas ng isang libong piso.

Nang kapkapan si Crisostomo ay nakuha sa pag-iingat nito ang buybust money at isa pang pakete na naglalaman ng hinihinalang droga.

Hindi na nagbigay ng anumang detalye ang pinaghihinalaan ngunit inamin nitong siya ay dating tokhang respondent at kabilang sa PRRD Narco-list.

Sa kabila na naaresto ang suspect ay naniniwala pa rin ang mga magulang na inosente ang kanilang anak.