CENTRAL MINDANAO- Namigay ng hygiene kit at Food Packs ang mga Barangay Kapitan katuwang ang Lokal na pamahalaan sa bayan ng Datu Montawal Maguindanao.

Pinalakas din nina Mayor Datu Otho Montawal at Vice-Mayor Datu Vicman Montawal ang kampanya laban sa Coronavirus Disease (Covid 19).

Nanatiling Covid 19 free ang bayan ng Datu Montawal at lahat na pumapasok sa bayan ay kailangang sasailalim sa thermal scanning.

Nagpatupad rin ang LGU-Datu Montawal ng Profiling sa mga residente na may history na pumunta ng Maynila at galing sa ibang bansa.

Nanguna rin sa disinfection si Mayor Montawal katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga lugar na kalimitan nagtitipon ang taong bayan.

Ang hakbang ng LGU-Datu Montawal ay pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.