-- Advertisements --
Tinapos na ng LG Electronic ng South Korea ang paggawa ng mga mobile phones.
Kasunod ito nang paghina ng bilang ng mga tumatangkilik sa kanilang mga produkto.
Sa halos anim na taon ay mayroong $4.5 bilyon ang pagkalugi ng nasabing kompaniya.
Kaugnay nito, itutuon na lamang daw nila ang kanilang atensyon sa paggawa ng mga kagamitan sa electric vehicles, connected devices at smart homes.
Taong 2013 nang umangat sa pangatlong tinatangkilik na mobile phone ang LG na sinusundan ng Apple at Samsung.