Nahigitan na ni six-time world champion Lewis Hamilton ang record ni Formula One driver champion Michael Schumacher.

Nakuha kasi ni Hamilton ang ika-92 na career victory sa Portuguese Grand Prix.

Nauna ng napantayan ni Hamilton ang 91 wins ni Ferrari great Schumacher noong nakaraang linggo sa karera na ginanap sa Nuerburgring.

Pinasalamatan naman ni Hamilton ang kaniyang team dahil sa tagumpay.