Letran Knights
Letran Knights/ Twitter Image

Tinapos na ng Letran knights ang tatlong taong pamamayagpag ng San Beda Red Lions 81-79 sa NCAA Season 95 senior basketball finals.

Isang hindi makakalimutang laro para kay Jerrick Balanza dahil ito na ang huling taon na paglalaro niya sa koponan kung saan mayroong kabuuang 27-points, seven rebounds at limang assists.

Huling nakakuha ng kampeonato ang Letran noong 2015 kung saan rookie player pa si Balanza.

Nag-ambag naman ng eight points, seven assists, limang rebounds at three steals si Fran Yu habang mayroong nine points at nine rebounds si Ato Ular.

Ito na rin ang 18th NCAA title ng Letran at unang titulo rin ng bagong coach na si Bonnie Tan.